Ang post na ito ay inaalay ko sa namayapang ina ng Philippine Horror Movies, Nanay Lilia Cuntapay. Maraming maraming salamat po sa pagbibigay kulay ninyo sa pelikula at dulaang Pilipino. Sumalangit nawa ang inyong kaluluwa.♥ E ano nga ba ang ibig sabihin ng "Six Degrees of Separation"? Sabi ng The Script, "You tell your friends, yeah, strangers too - anyone who'll throw an arm around you, Tarot cards, gems and stones, believing all that shit's gonna heal your soul. Well it's not, no. You're only doing things out of desperation... You're goin' through six degrees of separation." But, seriously... what is Six Degrees of Separation? Six degrees of separation is the theory that anyone on the planet can be connected to any other person on the planet through a chain of acquaintances that has no more than five intermediaries. The theory was first proposed in 1929 by the Hungarian writer Frigyes Karinthy in a short story called "Chains." (via whatis.com) So anong sense? Sinusulat ko ba 'to para magbigay tribute sa The Script? O dahil lang may pelikula si Nanay Lilia na Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay ang title? Ang sagot: Both. Sabi ng kanta ng The Script, "You've read the books, you've watched the shows. What's the best way? No one knows. You meditate, get hypnotized - anything to take it from your mind, but it won't go." Parang pagiging faney. Kapag na-hook ka na, pwede mong bitawan - yun nga lang mahirap. Katulad rin lang sya ng Kubler-Ross model na madalas inaassociate sa drug use, pagpanaw ng mahal sa buhay o pwede rin siguro sa pagmove on mula sa isang failed relationship. Ano ba ang Kubler-Ross model, Ate Aiea? Ang Kubler-Ross model ay mas kilala bilang five stages of grief or DABDA sa iba. DABDA stands for Denial, Anger, Bargaining, Depression and Acceptance. Sabi ng nakararami, ginagamit daw talaga ito para sa mga terminally ill persons. Ah, kaya pala applicable din sa pagpanaw at pagmu-move on kasi may kailangan tayong pakawalan na importanteng parte ng mga buhay natin. Sa drug use naman, applicable kasi kailangan mong pakawalan ang isang bahagi ng iyong buhay na nakasanayan mo na. O! I-apply din natin ito kung nagpakain na tayo sa sistema ng Pokemon Go. Haha! So, ano nga ang sense? Bakit mo ito sinusulat? Wag kang excited. Eto na kasi. Para sa mga nakilala lang ako kasi fan din sila ng mga tao o grupo ng tao na sinusuportahan ko, I'd like to share that this journey isn't as smooth-sailing as everyone thinks. Lately kasi I've been told na ang swerte ko, nakakainggit ang lifestyle ko, how to be me daw po. But what they are seeing is just the outside - kumbaga sa libro, hindi naman nabasa yung loob. Pag maganda ang cover, akala nung iba maganda na rin yung laman - denial. Ayoko tanggapin na totoo yung sinasabi nila kasi nag-umpisa rin naman ako sa stage na nakikitingin ng mga pictures ng random na tao na kasama ang mga idols nila. Minsan napapakanta na rin lang ako ng, "ano ba ang mayroon sila na hindi matatagpuan sa akin?" (Sabihin mo sa akin, Sheryn Regis, Kampanerang Kuba OST) at naluha na rin sa inggit lalo na nung kabataan ko pa at super strict pa ng parents ko sa akin kaya ang hirap talaga magbigay ng oras at atensyon sa mga taong hinahangaan mo - anger. Don't get me wrong ha, hindi ako galit sa mga magulang ko. Naiinis lang ako kasi yun nga, hindi ko makuha agad ang mga bagay na gusto ko. Pero naniniwala ako na there is a right time for everything. When you reach mid-20s, you'll have enough time to ponder about things na sana ginawa o hindi mo ginawa nung kabataan mo - bargaining. You'll realize that if something happened today happened earlier - baka naging kumplikado pa ang lahat. Kung paano, hindi ko rin alam. It would just come out naturally - yung tipong habang naglilinis ka ng kwarto, mag-isa o simpleng mapapatanong ka nalang sa sarili mo pag may naalala ka - depression. Kung naging ganito kaswerte ang fangirling journey ko highschool palang - siguro hindi ko magagawang kilalanin ang sarili ko ng maigi. I won't strive to improve myself kasi nakalatag na at abot kamay agad ang mga pangarap mo eh. Kung lahat naman ito bumuhos nung college, I guess, I won't be as strong as I am now. Baka hindi pa ko nakatapos on time. Madami na akong pinagdaanan and I'm not shy to accept that I regret na hindi ko lahat hinarap. Madalas kasi mas pinipili ko nalang talikuran o kalimutan lalo na kung complicated na lahat. Kaya nga siguro ngayon, proud kong nasasabi na kahit pinanghihinaan ako ng loob, gumagawa at umiisip pa rin ako ng paraan kung paano mareresolve or maaaccomplish ang mga bagay bagay - acceptance. So, ano namang koneksyon ng Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay dito? Chill, bes. Chill. There y'go. Makikita nyo dyan na dream school ko talaga ang Ateneo dahil nga, One Big Fight for Larry Fonacier kasi! Pero dahil kelangan din iconsider ang layo, dun ako sa second favorite school ko nag-enroll, UST! At doon na nagsimula ang makulay na fangiriling journey ko. Let the image above tell you all that you need to know. Haha! Noong una, ayoko talagang maniwala na totoo ang Six Degrees of Separation. Pero, nung napanood ko yung movie ni Direk Antoinette, inumpisahan ko na rin imapa ang sarili kong Six Degrees. At ayan na - kahit hindi pa yan ganoon ka-accurate (dahil hindi ko na nga alam saan ilalagay yung NU Bulldogs connection ko), yan talaga ang foundation ng kung sino na at gaano karami na ang pinagdaanan ng faney na ito sa harap nyo ngayon.
Hindi ko ito pinopost kasi niyayabang ko. Ang punto lang ay, kagaya ng lagi kong sinasabi, hindi masama ang humanga lalo na kung gagamitin mo ito para sa improvement ng mga skills mo, o sa pagpapalakas ng tiwala mo sa iyong sarili. Hindi rin ito masama kung tutulungan ka nitong maging matapang sa pagharap sa buhay at tulungan kang maniwala na lahat ng pangarap mo, kung di mo susukuan ay makakamtan mo. Basta lagi mo lang tatandaan, may tamang oras at paraan para sa lahat - hindi mo kailangang ipilit, hindi mo kailangang abusuhin. Lagi mong pahalagahan ang sarili mo bago ang iba. Wag mong hayaang kainin ka ng sistema. Yun, ganun. Pak!
0 Comments
Leave a Reply. |
ONE DAY AT A TIMEWelcome sa hindi ko alam kung paano ko iseset up at paano imemaintain na fangirling blog slash guide book slash hindi ko alam kung diary ba o photo album.☺ Don't lose your grip on the dreams of the past. You must fight just to keep them alive. ARCHIVES
November 2019
CATEGORIES
All
© The Ai of the Tiger | 2019.
|